free web hosting | free website | Business Web Hosting | Free Website Submission | shopping cart | php hosting

 

O U R   W E D D I N G 
T H E   R I N G 

ARCHIVE

SPECIAL PAGES
RoVie
Lhoelit
Lhoelit & RoVie
Tanya Soliel
Roana
RoVie PART 2

Photo Blog
RoVie
Lhoelit
 

THE EVENT
RoVie's 1st Birthday
RoVie's Baptismal Day
Ona and Leth's Wedding

THE TRIP

Tagaytay 2003
Enchanted Kingdom 2003
VIGAN-Ilocos Sur 2003
Baguio 2003
Puerto Galera (09.08.2002)
Laguna 2001
Baguio 2000

RECIPE OF THE MOMENT

OUR ART (my painting)

JUST A THOUGHT

KEEP A SMILE ON YOUR FACE

2001 PILAR-ROBERTO  SECTIONS
|HOME|THE BEGINNING|THE VOWS|OUR ART|PHOTOS|POEMS|STORIES| |VIEW/SIGN GUESTBOOK|LINKS|


Tons of Free Script 
JavaFILE...FREE Java and Javascripts!
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

04.30.03

LITTLE TEA POT
Hi there!! hay naku nakakatuwa ang baby RoVie ko... tinuruan ko syang sumayaw in the tune of Little Tea Pot... nakakatuwa.. ang dali nyang turuan... at cute na cute sya sa pag sayaw non... hayyyy

Antuk na antok ako kaya ngayon lang ako nakasulat dito sa journal ko... anyway.. wala naman nangyari nung mga nakaraang araw.. dahil tulog ako maghapon hahahahhaha..... kaming dalawa ng RoVie ko...

I miss texting my friends.. wala na akong cellphone.. kelan kaya ako magkakaroon. *sigh*

LOOKING FOR A NEW NAME FOR MY BABY

Nickname RaVen
Hey guys.. i was looking for a new name for my baby her/his nickname will be RaVen... I was looking for a name that will start on RA and VEN... help me... :o)
just like RoVie.. ROnnie VIEnce

04.27.03
 

STARBUCKS in PETRON
Nag starbucks kami ng honey ko papauwi kami ng SUbic... hayy naku ang inorder kong Rhumba.. napaka tamis nasobrahan sa tamis.. ano ba un.. di ko tuloy nainom.. si honey nalang ang uminom.... nadaya na naman ako hehehehe

GERRY'S GRILL in Subic
Dinner in Gerry's Grill kami ng honey ko this evening.... excited pa naman sana ako kumain ng seafood nila.. yung sizzling pusit... kaya lang naku na dismaya naman ako sa kinalabasan.. ang sizzling pusit nila hindi man lang umuusok.. wala tuloy kalatoy latoy kainin... at ang service nila ang bagalll... lumamig na ang kanin namin wala pa ang ulam.. hayy hayyy hayyy..... 
nagkaroon tuloy ng idea ang honey ko pag nagtayo daw sya ng restaurant siguradong maganda ang serbisyo.. at.... at... si mike ang taga tikim ng pagkain.. nyak!! di kaya maubos kagad?? hehehe jokeeeee!!!

Progress ni RoVie...
Naku ang daldal na ng baby ko.. at kung anu-ano na ang sinasabi.... nabibigkas na nya halos lahat ng word na tig dadalawang syllables.... like.. "payong", "baba", "bago", "pogi", "tado", etc.marami na syang nasasabi....ang tatas din nyang magsalita.. at naiintindihan mo na talaga.
to think 1 year and 1 month palang baby rovie namin ha.
 

04.23.03

Sleepy me!
Yesterday I found out that i'm pregnant... hayy siguro kaya ganito ako ngayon tired and sleepy... excited na ko sa paglabas ng baby namin.. basta healthy and complete OK na sa akin.... bonus nalang ang pagiging CUTE at BIBO tulad ng baby RoVie namin.
Excited narin si RoVie sa pagdating ng kapatid nya at me makakalaro na sya.. lagi nyang kiss ang tummy ko.. heheheheh....

04.22.03

HAPPYEARTHDAY!!!!

04.21.03

HAPPYEASTER!!!!
Supposedly... we have easter egg hunting... pero pagdating ng bahay.. mga pagod ang lahat.... kaya wala na...

04.20.03

VIGAN April 17-19, 2003
Vacation kami sa Vigan for 3 days..... ang saya!!! lalo na ang aking little RoVie... tuwang tuwa sya.. first time nyang maligo sa dagat ng matagalan.... nakakatuwa syang pagmasdan....

Tingnan nyo kung gano sya kalikot dyan....

Thursday Morning
7:30 am umalis na kami ng marikina... siguradong traffic yan.... hayy naku!!! eto at preparadong preparado na kami.... Nasa Urdaneta Pangasinanan na kami.. oppss teka.... nagkakalimutan... mag pa GAS muna tayo....
kumain kami sa Mc Do.. yun lang ang pwedeng makainan don.. dahil MASH POTATO para sa baby RoVie namin.... ang takaw nya.. mash potato, kanin at ice cream ang kinain... errr anong lasa non pag sinabay sabay??? ask natin si RoVie.... 
Ang haba ng biyahe.. ang sakit na ng pwet ko...!!! parang gusto ko na atang sumuko ah??? teka nasa TARLAC na pala kami kaya TRAFFIC...
kalahating araw kami nag byahe grabe ang traffic....
Nakatanggap kami ng TEXT galing sa kamag-anak ni Myk... namatay na ang Lola nya.. kailangan syang umuwi.. kaya hindi namin kasama si Myk sa VIGAN

Thursday Afternoon
6:00 pm... sinundo namin sila ate sa kanto  nila janice... pra sumunod sa amin papuntang bahay nila.... hayyy ang madayang sis ko iniwan ang dalawa nyang kasama at sumakay sa amin hehehhe...

nakup po! gabi na kami non nakadating sa bahay nila Janice... pero OK lang.. sulit naman... ang ganda don.. ang saya ang daming pagkain hehehhe.. simple lang ang buhay ng mga taga probinsya.... simpleng pamumuhay, simpleng problema... 
Pagod ang lahat.. kailangan naming magpahinga..

Friday Morning
6:30 nagising na lahat kami... almusal na... meron kaming pandesal, itlog, ham, cheese at kape.. busog!!!  Pero teka eh hindi pa pala un almusal... appetizer lang pala nila un.. pero busog na busog na kami.....
hindi pwedeng umalis ng hindi kumakain PERIOD.  Ayan ang sabi nila.. kaya sige kain narin kami... kahit la na mapaglagyan...
After kumain pumunta kami ng Dagat.... wala lang sisilipin lang namin ang dagat don... ang ganda.. ang linis ng dagat.. plano naming dun maligo bukas... Saturday.
Then pumunta kaming GROTO.. pra akyatin... tatawirin lang sa dagat.. pero pag high tide syempre di mo matatawid.. kaya hanggat low tide.... sugod kami.. pero suko sila Lalaine,, sis, jim, and the oldies.. syempre kasama na si RoVie... la kase magbubuhat sa kanya.... ang hirap palang tumawid sa dagat.. mabatu-bato... at madulas pa... nakaabot kami ng Groto.. naku picturan na.. nadulas naman si Ona ewan kung ano ang ginawa nya hahahaha.. sayang walang picture.. natulala kse ako.. ako ang me dala ng camera eh.


 

Then pumunta muna kami ng FARM nila Janice... ang ganda don... meron pa ngang puno ng mangga.. eh este halaman palang sya eh maliit palang pero me bunga na.. galing daw DAVAO.  Tingnan nyo nga at abot ng RoVie.

Oppsss lunch time na.. balik na sa bahay!
 

Friday Afternoon
Nilibot namin ang Vigan... nakakatuwa.... andun parin ang mga lumang bahay.. pero ginawa ng lahat na commercial area... ok lang... mas naging tourist spot.

Saturday Morning
Aga naligo at nagsibihis.... excited ng maligo sa dagat.... namalengke muna kami para me ma ihaw dun.... nag punta kami sa grocery store nila janice.. hehehehe inatake namin ang kanilang paninda....
Hay wala din alas dyis din kami nakapunta ng dagat.... naubusan na kami ng TENT sa dami ng mga naliligo don.... umuwi muna kami para kumuha ng sarili naming TENT.... dun kami sa kabilang side ng dagat naligo.... mas konti ang tao....

Ang lakas ng hangin ang sarap don.. pero pahinga muna ako.. ayoko kseng maligo
then kakain ng basa eh.. kaya after lunch na ko naligo sa dagat....
GUESS nyo kung ano ang pangatlong picture? :o)
 
 

04.10.03

WORD OF WISDOM
Older men declare WAR.... but the young men who must FIGHT & DIE
UNFAIR!!!!! hindi ba?!?! anyway ganun talaga ang buhay!!! hayyyy.... bakit ba kayo nag aaway away??? mga kadugangan lang naman ang alam nyo eh!! Bakit nga ba nilusob ni BUSH si SADDAM? dahil gusto nyang maangat ang mga tao sa IRAQ sa maling pamumuno ni SADDAM?!?!? o gusto lang nyang maangkin ang mga OIL ng IRAQ??? hmmm isip isip!!! hehehehhe
JUST A THOUGHT! bwheheheh

Ang bansa natin magpapadala ng HUMANITARIAN AID "daw" sa bansang IRAQ.... tulong nga ba??? o may commission ang gobyerno natin dito??? 
hehehehhehe
 

04.07.03

RoVie 13th Month Birthday
Happy Birthday RoVie.... 
Today is my daughter's birthday... we only have spaghetti and ice cream to celebrate her monthly birthday....
she love the keyboard we gave to her as our birthday gift.... heheheh she doesn't mind if its old or new... as long as she loved it... hehehhe
i've got some picture of her while playing with the keyboard....
at long last... maaybe.. just maybe... RoVie wont bugging me while i'm here in front of the computer... because she has already one, keyboard nga lang!!!!!!!YEBAHHHH
RoVie lots of PAKULO for today... she's so SMART....
you can visit her website to see her everyday progress.... at http://rovieroberto.bestfamilysite.com/

04.02.03

April na!!! Holy Week Na! San Kayo sa Holy Week?!
Naku po! Holy Week na pala.. mag iisang taong patay na si RICO YAN.. opps di nya ko FAN ha.. naalala ko lang kse last year di ako nakasama sa OUTING ng mga pinsan ko.. dahil kakapanganak ko pa lang sa RoVie ko.. hayyyngayon. mag a-outing sila at syempre sama na kami!!!!
Naalala ko non TEXT ko sila about kay RiCo YAn at biniro ko pa.. ayaw nila kong paniwalaan hehehehehe.... 

CREDIT CARD
Hay... 
Nakup! bayaran na pala ng CITIBANK... yan ang mahirap ang sarap mangutang hahahhaah.. pero ngayon dina kami basta basta umuutang.. abay pansin ko di ata bumababa ang UTANG  namin ah kahit magbayad.... heheh taas kase ng FINANCE CHARGE eh!

ROANA
Hey Roana thanks for dropping by ha.... LINK na kita sa site ko... see?!?!? :o)

04.01.03

APRIL FOOL'S DAY NI ROVIE
Itong si baby RoVie me ginawa na namang BLOOPERS....
Habang nag iihaw kami ni DADA.. si baby RoVIe inaatake naman ang gamit ni DADA (Book, pencil and paper)
Sabi ko No baby RoVie kay dada yan eh..
si Mamuy naman sinasaway si RoVie... habang nakaupo kami lahat sa silya... pasimpleng bumaba si RoVie....
paikot ikot sya kay mamuy habang sini swing nya ang kamay nya... paroot parito... 
ng makalingat si mamuy.. abay biglang atake si RoVie sa gamit ni dada.. nasalisihan si Ninang.. hahahaha
ang baby RoVie ko napa ka SMART.. nakakatuwa ang itsura nya nung ginagawa nya un..
Parang IRAQ sa US kung umatake!!! pasimple!!

 
OUR PRAYER
God made us a family.
We need one another.
We love one another.
We forgive one another.
We work together.
We play together.
We worship together.
Together we use God's word.
Together we grow in Christ.
Together we love all people.
Together we serve our God.
Together we hope for heaven.
These are our hopes and ideals.
Help us to attain them,
O God, through Jesus Christ our Lord.
-amen-
 

 


©1999, 2000-02 All rights reserved.
All pictures and text are properties of Pilar-Roberto

2001 PILAR-ROBERTO  SECTIONS
| HOME | THE BEGINNING | THE VOWS |  OUR ART | PHOTOS | POEMS | STORIES | VIEW/SIGN GUESTBOOK | LINKS |